 |


Enter the Crypt - OpenID
The Cemetery - The Morgue - Join the Undead - Offerings - Download - DJ News - Advertise on DJ
Morgue Directory - Random Grave - Place of Death - Search Morgue - Interests
Botched Murders - FAQ - Lost Info? - Spoon Feeding - Hauntings
|
 |


Community Information Below is information about the "spongklong" community on DeadJournal. To join this community, click here. You may leave the community at any time.
| User: | spongklong (488922) |
|
| Dahil maraming spongklong sa mga Pinoy fandom |
| Name: | spongklong |
| About | Ano raw? spong·klong n. isang taong tanga, nagtatanga-tangahan, o sadyang ipinanganak na tanga.
Ang may pakana ng lahat: Binuo nina blusterrific at chronicdreamer noong Mayo 14, 2006 dahil nakita nila ang matinding pangangailangang magkaroon ng Pinoy version ang Fandom Wank* para sa mga Pinoy fandom.
Ang sampung utos galing sa nakatataas:- Kailangan pa ba ng guidelines? Pwede bang wala na? Sorry, but we believe in world order.
- Bawal i-post o i-link ang laman ng personal journal o blog ng isang menor de edad. Tatanggalin namin ang post kung napag-alaman naming galing ito sa isang minor. Pero ibang usapan na ang mga post sa communties at forum, maliban na lang kung harapang sinabing bata pa siya sa kanyang post. (Hal. "Bored n aq d2 sa graduation q--s wkas hiskul na rn me s june!!!1--tpos tinxt aq ng frend q n nawank daw aq.") Ina-assume namin na mature na tayong lahat dito.
- Bawal i-troll ang mga taong na-wank. Nandito tayo para pagtawanan ang mga tangang tao sa mundo at hindi makipag-away sa kanila. Inaasahan namin na magbe-behave ang lahat. Huwag ninyong hintayin na magalit kami at kayo ang pagbalingan namin.
- Tandaan ang Golden Rule: What they don't know won't hurt them.
- Huwag i-troll at i-flood ang
spongklong. Ang trolling ay ang pag-spam sa mga entry ng mga walang kabalbalang comments. Hindi namin ito-tolerate ang mga comment whore, pwera nalang kung sila'y sina blusterrific, chronicdreamer, karma_inamo, hardcoregenius, her_ocness, at taongtabon. Kami ang may-ari ng community na ito, kaya kami lang ang may karapatang maging comment whores.
- Bawal i-link ang mga locked post. Kasama rin dito ang mga post sa moderated communties at forum. Rule of thumb: Huwag mag-cut and paste ng kahit na ano na galing sa site na nangangailangan ng approval para sumali.
Kung ikinandado ang post pagkatapos ma-wank, ayos lang na i-post ang text, screencaps, what-have-you. Pero kung locked na ang entry noong unang na-post at nanatili itong locked, huwag mo na itong ipagpilitan pa kahit gaano pa ito ka-wank worthy. Wala kaming paki-alam kung alam na ng lahat ng tao ang pinagsasabi niya. Hands off ang locked posts. Intiendes?
- Bawal ang mag-inarte. Wala kaming paki-alam kung ikaw ang pinagtatawanan, kung kaibigan ka ng pinagtatawanan, kung kasama ka sa nakikitawa, o kung sino ka man. Hindi namin papalampasin ang mga nag-iinarte.
- Uulitin namin: nandito kami upang tumawa, hindi makipag-away. Kung madali kang mapikon, umalis ka na lang dito.
- Bawal i-troll, i-flame, at i-stalk ang mga tao sa
spongklong sa kanilang personal accounts sa DeadJournal, LiveJournal, GreatestJournal, o personal sites kahit gaano pa nasaktan ang ego mo. Wala kaming paki-alam sa ego mo. Basahin mo ulit ang nasa itaas na rule.
- Ang lumabag sa mga ito ay makakatanggap ng warning sa unang pagkakataon. Maaari namin kayong i-suspend at i-ban sa community kung hindi pa rin kayo magtatanda.
Ang mga may K:
blusterrific
chronicdreamer
hardcoregenius
her_ocness
karma_inamo
taongtabon
Kung hindi mo pa rin maintindihan ang lahat ng pinagsasabi namin, isa ka talagang spongklong.
May nakita ka bang isang spongklong pero wala kang DeadJournal account? I-post mo lang dito at kami na ang bahala.
* Isa nang institusyon ang Fandom Wank. Hindi namin inaasam na pabagsakin sila o makarating sa lebel nila. Sayang lang at hindi nakakaintindi ng Filipino ang mga Wanka, dahil kung nagkataon, mas masaya sana ang FW.
|
| Interests: | 6: fanaticism, fandom, katangahan, network wars, philippines, pinoy. [Modify yours] | | Maintainers: | 5: blusterrific, chronicdreamer, hardcoregenius, her_ocness, karma_inamo | | Members: | 7: blusterrific, chronicdreamer, delcj, dreamnightmares, hardcoregenius, her_ocness, karma_inamo |
| Watched by | 6: blusterrific, chronicdreamer, delcj, dreamnightmares, her_ocness, karma_inamo |
| Account type: | Free User |
(more details...)
|
 |